Wednesday, October 29, 2008

Flickr Toys


Flickr Toys
Originally uploaded by HisQueen♥

just tripping with flickr toys :)

makiki BO

*Bob Ong*

* Kung hindi mo mahal ang isang tao, `wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.

* Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.

* Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.

* Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.

*Parang elevator lang `yan eh. Bakit mo pagsisiksikan `yung sarili mo, kung walang pwesto para sa`yo? Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.

* Kung maghihintay ka ng lalandi sa`yo, walang mangyayari sa buhay mo. Dapat lumandi ka din. --- KAYA MALANDI AKO EH MWAHAHAHAHA

* Pag may mahal ka at ayaw sa`yo, hayaan mo. Malay mo, sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.

* Hiwalayan na kung `di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.

* Pag hindi ka mahal ng mahal mo, `wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na `di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang.

*Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.

* Hindi porke`t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text nang wantusawa eh may gusto sa`yo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.

* Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.

* Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.

* Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw `yung bida sa script na pinili niya.

* Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao `pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.

*Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.

*Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan.

* Kung nagmahal ka ng taong `di dapat at nasaktan ka, `wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang `yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sa`yo, kundi IKAW mismo!

* Ang pag-ibig parang imburnal-- nakakatakot mahulog. At kapag nahulog ka, it`s either by accident or talagang tanga ka. - PANALO!